Kaugnay nito ay bumisita at nagsagawa ng onsite evaluation ang mga kawani ng DTI Region 2 sa Tiblac-Langak Farmers Association sa bayan ng Ambaguio at Bumolo’s Integrated Farm sa Kasibu bilang bahagi ng paghahanda sa naturang kompetisyon.
Layunin ng taunang PCQC na matukoy ang mga kape sa bansa na may pinakamagandang kalidad at isulong ang Philippine Specialty Coffee sa Domestic at global markets para mapabuti ang oportunidad at negosyo ng kape sa bansa.
Maliban sa ginawang pagsusuri ng proseso at sa mga produkto, pinaalalahanan rin ng naturang ahensya ang mga manggagawa ng kape tungkol sa mga kailanganin at iba pang mga mahahalagang bagay para sa pagsali sa naturang patimpalak.
Noong nakaraang taon, nakuha ang Nueva Vizcaya ang high coffee green grading results ng PCQC.