DTI, imumungkahi ang pag-aalis ng plastic barriers sa mga establisyimento

Irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-alis sa plastic covers at barriers sa loob ng mga establisyemento.

Kasunod ito ng inaasahang pagsasailalim ng Metro Manila sa Alert Level 1 sa Marso.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, maaari nang tanggalin ang mga plastic barriers basta naipatutupad pa rin sa mga establisyimento ang minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, physical distancing, paghuhugas ng kamay at sanitizing


Ang mahalaga aniya sa ngayon ang mabakunahan na ang lahat bilang proteksyon sa COVID-19.

Facebook Comments