Magsasaka-Patay, Isa Sugatan sa Pamamaril sa Mallig, Isabela!

227

*Mallig, Isabela- *Patay ang isang magsasaka habang isa ang sugatan sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang riding in tandem criminals ganap na alas nuebe kaninang umaga sa Brgy Centro 1, Mallig, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Reynaldo Armogela Siguancia, nasa tamang edad, may-asawa at residente ng Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela habang sugatan sa pamamaril si Arnold Ordonio Balutoc, 40 anyos, magsasaka at residente naman ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, patungong north direction ang mga biktima lulan ang XRM 125 na motorsiklo na minamaneho ni Balutoc nang biglang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ng maraming beses ang backrider na si Reynaldo Siquancia.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Tumakasa naman sa hindi pa mabatid na direksyon ang mga suspek lulan ang isang motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP Mallig hinggil sa naturang pamamaril.

Facebook Comments