Magsasaka, Patay sa Riding in Tandem!

45

Cauayan City, Isabela – Blanko at palaisipan pa rin para sa PNP Sta Maria ang dahilan sa pagpaslang sa isang magsasakang pinagbabaril ng riding in tandem.


Sa inisyal na imbestigastion ng kapulisan ng Sta. Maria, nakilala ang biktimang si Rody Sumauan, 45 taong gulang ng Sitio Balagan, Naganacan, Sta. Maria, Isabela.

Ayon pa sa mga imbestigador, si Barangay Captain ang tumawag at nagpahatid sa kanilang kaalaman sa nangyaring pamamaril.

Nabatid na ang biktima ay huling nakitang sakay ng kanyang motorsiklo kahapon mula sa Sitio Casimuan, Brgy. Tallag, Cabagan at sinasabing pauwi siya sa kanilang bahay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ang PNP Sta Maria para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Facebook Comments