Magsasaka pinagbabaril patay sa Notth Cotabato

90

Isang magsasaka ang namatay makaraang pagbabarilin sa barangay Katipunan sa bayan ng Arakan North Cotabato dakong alas 6:30 kagabi. Kinilala ni Police Sr. Inspector Arjay Celeste. hepe ng Arakan Pnp ang biktima na si Danny Felicelda 49 anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Nagtamo ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na nagsanhi ng kanyang kamatayan.
Mabilis namang tumakas ang hindi kilalang salarin habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments