Magsasakang Lolo, Arestado dahil sa Kasong Pagpatay!

*Cauayan City, Isabela-* Inaresto ng mga kasapi ng PNP Cauayan City ang animnapu’t tatlong taong gulang na lolo matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dahil sa kasong Pagpatay .

Nadakip ang suspek na si Mario Legaspi, isang magsasaka at residente ng brgy. San Faustino, Cauayan City, Isabela bandang alas otso kwarentay singko kaninang umaga partikular sa Burgos St, District 2, Cauayan City.

Inihain naman ni hukom Ariel Palce ng RTC Branch 40 Cauayan City, Isabela ang Warrant of Arrest ng suspek dahil sa nakabinbin nitong kasong Homicide.


Dinala na sa presinto si Mario Legaspi at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng isangdaan at dalawampung libong piso (120, 000.00).

Facebook Comments