Mga Illegal Gamblers sa Santiago City, Hindi pa rin Natitinag!

*Cauayan City, Isabela- *Hindi pa rin umano natitinag sa ngayon ang mga illegal gamblers sa Lungsod ng Santiago sa kabila ng matagal na kampanya ng mga kapulisan kontra sa mga iligal na sugal.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Rolando Gatan, ang hepe ng Santiago City Police Station 1 na bagama’t humupa na noong mga nagdaang araw ang mga pasaway na naglalaro sa mga iligal na laro ay mayroon pa rin umanong sumusuway na nagreresulta sa kanilang pagkakahuli.

Matatandaan na huling naaresto ng PNP Santiago City Police Station 1 ang apat na indibidwal matapos maaktuhang naglalaro ng Mahjong sa brgy. Batal, Santiago City.


Samantala, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang kampanya kontra iligal na droga at umaasa naman ang naturang hepe na magiging Drug Free na ang Lungsod ng Santiago.

Facebook Comments