MAGSASAKANG NAGPAPUTOK NG BARIL HABANG NAKIKIPAG-INUMAN SA MABINI, ARESTADO

Arestado ang isang 49 anyos na magsasaka matapos magpaputok ng baril habang nakikipag-inuman sa Mabini, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang suspek at dalawang kasamahan nito nang biglang humugot ng baril ang suspek mula sa kaniyang bag.

Pagkatapos nito’y dalawang beses na nagpaputok ang suspek sa buhangin.

Narekober ng mga rumespondeng awtoridad sa bag ng suspek ang isang kalibre 45 na wala nang lamang magazine.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek dahil sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments