Magsasakang Top 10 Most Wanted sa San Pablo, Isabela, Arestado!

San Pablo, Isabela- Nasa kamay na ng kapulisan ang lalaking Top 10 na wanted sa listahan sa bayan ng San Pablo matapos mahuli bandang alas diyes y medya kaninang umaga sa Brgy. Limbauan, San Pablo, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Albert Alingod, trentay sais anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Limbauan, San Pablo, Isabela.

Si Alingod ay dinakip ng San Pablo Police Station sa bias ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.


Dinala na sa San Pablo Police Station ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang dalawang daang libong piso.

Facebook Comments