MAGSUOT NG HELMET | 3 sugatan, sa salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Pasig City

Pasig – Hindi na makausap at nilagyan ng neck brace ang isang motorcycle rider matapos makabanggaan ang isang tricycle sa Sandoval Ave. Brgy. Pinagbuhatan Pasig City.

Nakilala ang sugatang rider na Arvin Baga 27 yrs. old residente ng Brgy. Sta Anna Taytay Rizal.

Ayon kay Traffic Enforcer Estanial Jomboy mag-aalas dose ng madaling araw ng makatanggap sila ng report kaugnay sa insidente.


Sa initial na imbistigasyon papuntang Taytay ang biktima ng mapadpad sa kabilang linya sa pakurbadang daan.

Sa lakas ng impak pumasok ang rider sa loob tricycle kayat nasugatan sa muka ang tricycle driver na si Carlito Acacio.

Damay sa aksidente ang isang lalaking pasahero na humataw ang ulo sa unahang bahagi ng tricycle.

Paalala ni traffic enforcer Jomboy magsuot ng helmet at iwasang magmaneho ng nakainom.

Agad dinala sa pinakamalapit sa hospital ang 3 sugatan sa banggaan.

Facebook Comments