Mnaila, Philippines – Magpapadala ng tulong ang Metro Manila Local Government Units (LGU) sa mga apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Sa isinagawang emergency meeting ng Metro Manila Mayors sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), napagkasunduan na magtutulungan ang mga LGUs na makakalap ng humigit kumulang sampung milyong piso na agad ipadadala sa Albay Provincial Government.
Magpupulong din ang mga Local Disaster Risk Reduction Management Office ng bawat lungsod para sa planong pagpapadala ng iba pang tulong tulad ng ambulansya, water purifiers, at portalets sa mga evacuation centers doon.
Inihahanda na rin ang suplay ng relief goods.
Labing siyam na alkalde at iba pang local officials ang dumalo sa pagpupulong.