Maguindanao 2nd DEO humakot ng parangal sa 27th Anniversary ng DPWH ARMM

Kinilala bilang 2017 Most Outstanding District Engineer ng Department of Public Works and Highways ng Autonomous Region in Muslim Mindanao si Maguindanao 2nd District Engineering Officer Engr. Zainal “ JAMES” Mlok Jr.
Ang pagbibigay pagkilala ay pinangunahan ni ARMM Governor Mujiv Hataman at DPWH ARMM Secretary Don Mustapha Loong kasabay ng pagdiriwang kahapon ng ika 27th Anniversary ng ahensya.
Maliban most outstanding DEO, nasungkit ng Maguindanao 2nd District Engineering Office ang mga pagkilala ngayong taon bilang “ Champion in Best Office Practices , Best DEO in Construction, 2nd Best DEO in Planning and Design”.
Kaugnay nito lubos na pinasalamatan ni Engr. James si RG Hataman, Sec. Loong at ang lahat ng kanyang mga kawani. Sa ilalim ni Engr. James ang 25 mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao.
Kabilang sa mga proyektong nagawa ng Maguindanao 2nd DEO ngayong 2017 ay concreting of roads, school buildings at implementor ng mga proyekto sa ilalim ng ARMM Helps at ARMM Bridge.

Facebook Comments