Maguindanao Government on alert kontra Corona Virus Disease

Nagpapatuloy ang mga ginagawang inisyatiba ng Maguindanao Provincial Government upang makontra ang COVID 19 sa buong lalawigan.

Bagaman mahigit isang libong indibidwal na mula sa ibat ibang bayan ang sinasabing Person Under Monitoring habang nasa 24 naman ang Under Investigation nagpapasalamat pa rin ang Provincial Government dahil Covid 19 Free pa rin ang Maguindanao ayon pa kay Administrator Odjie Balayman sa panayam ng DXMY.

May mga inilaan na ring magiging Isolation Area ang PGO bukod pa sa mga nakastandby na mga gamot at oxygen tanks sa mga pagamutan ng lalawigan base na rin sa direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu dagdag ni Admin Balayman.


24/7 rin ang mga kawani ng PDRRMO katuwang ng AFP, PNP at health workers sa mga Entry at Exit points ng lalawigan. Idinagdag pa ni Admin Balayman na nagpapatuloy ang iniimplentang curfew sa lalawigan mula alas 9 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.

On standby na rin ang mga relief items at inaasahang ipamamahagi sa mga residenteng higit na apektado ng kinakaharap na krisis.

Kaugnay nito, hinihimok naman ng Provincial Government ang lahat ng kanilang mga kababayan na makiisa sa kanilang direktiba para na rin sa kaligtasan ng lahat.Higit aniyang mas kailangan ngayong panahon ang kooperasyon ng lahat giit pa ni Balayman.

Maguindanao PDRRMO Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments