Maguindanao Massacre Suspect arestado sa Datu Saudi Ampatuan

Nasa kustodiya na ngayon ng Police Regional 0ffice-BARMM ang isa sa 80 pang at large na mga suspek sa Maguindanao Massacre na dinakip ng kapulisan sa Barangay Kabingi, Datu Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay PRO-BARMM Spokesperson Police Capt. Jaymar Delos Santos, nakatakdang ilipat sa Quezon City sa RTC 221 ang naaresto nilang si Faisal Utto Dimaukom alias Kagi Faizal.
Pasado alas 5:00 ng umaga kahapon ng dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Police Provincial Intellegence Branch, Datu Saudi-Municipal Police Station at ng PRO-BARMM.
Pinasalamatan naman ni Capt. Delos Santos ang stakeholders sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan partikular ang local government unit sa pagbibigay ng maaasahang impormasyon para sa ikadarakip kay Dimaukom.
Siniguro din ng opisyal na mas paiigtingin pa ang intelligence gathering at operasyon para maaresyob ang iba pang suspek sa Maguindanao Massacre.
Binigyang diin ni Capt. Delos Santos na bago pa man ang pag-aresto nila kay Dimaukom ay nagsagawa na sila ng masusing imbestigasyon tungkol sa naturang indibidwal bagamat hanggang ngayon ay nag-iimbestiga pa rin sila, ito ang tugon ng opisyal sa sinasabing “mistaken identity” o maling tao ang kanilang dinampot.
Samanatala, mariin namang pinabubulaanan ng maybahay ni Dimaukom na sangkot ito sa Masaker, sa katunayan aniya may mga dokumento ang mga ito na nagpapatunay na nasa Mecca sa Saudi Arabia si Kagui Faisal noong mangyari ang masaker giit pa nito sa naging panayam ng DXMY.
Umaasa rin ang mga ito na lumabas ang katotohanan sa lalong madaling panahon.(Daisy Mangod)

Facebook Comments