Magulang at Guardian, Pagmumultahin ang lalabag na Menor de Edad sa Health Protocol

Cauayan City, Isabela- Papatawan ng karampatang parusa ang magulang o guardian ng isang menor de edad na lumabag sa ipinapatupad na health protocol sa bayan ng Cabagan, Isabela sa kabila ng krisis dulot ng pandemya.

Batay sa Municipal Ordinance no. 58, nakasaad sa Section 5 na ang lalabag na menor de edad na nakapaloob sa ordinansa gaya ng Staying or Loitering outside their abodes; Not wearing of face masks; Lack of physical distancing; Not following travel restrictions; Curfew violations; Mass gatherings; at iba pang paglabag sa health protocol ay mapapatawan ng parusa.

Binibigyan naman ng ‘exemption’ ang 21-anyos pababa kung kinakailangang na bumili ng essential goods o sa mga serbisyo at trabaho na pinahihintulutang industriya at tanggapan maging ang medical at emergency na usapin.


Para sa mga lalabag, papatawan ng kaukulang multa na P1,000 at dalawang (2) araw na community service para sa 1st offense; P1,500 at apat (4) na araw na community service para sa second offense at P2,500 at 7 days na community service para naman sa third offense.

Para naman sa edad 16-21 anyos na lalabag sa ordinansa ay mapapatawan ng parusa maliban lang sa usapin ng pinansyal kung saan sasagutin ito ng kanilang mga magulang.

Facebook Comments