MAHALAGANG MALINAW | Papel ng PAO sa Dengvaxia controversy, dapat linawin

Manila, Philippines – Mahalaga para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III na maging malinaw kung ano talaga ang papel ng Public Attorney’s Office o PAO sa kontrobersyal na Dengvaxia.

Ayon kay Senator Sotto, dapat liwanaging mabuti ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kung ano ang mga hakbang ng PAO.

Ang panawagan ni Senator Sotto kay Secretary Aguirre ay sa gitna ng mga apela sa PAO na hayaan ang Dept. of Health at mga health experts na magsagawa ng pagsusuri at imbestigasyon kaugnay sa Dengvaxia.


Ito ay para matiyak na malakas ang kaso na mabubuo laban sa mga dapat managot sa problemang hatid ng anti-dengue vaccine na binili ng gobyerno sa kumpanyang Sanofi.

Maliban kay Sotto ay nagpahayag na rin ng pagpuna sina Senators JV Ejercito at Richard Gordon sa sariling imbestigasyon ng PAO at pagsusuri sa mga nabakunahan ng Dengvaxia gamit ang sariling forensic expert.

Facebook Comments