Mahigit ₱100-K halaga ng shabu, nasabat sa Taguig City

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng droga sa Taguig City matapos isagawa ang buy-bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang suspek na si Gilbert Grate Calvar, alyas “Loloy”, 23-anyos, at residente ng Brgy. Rizal, Makati City.

Nakuha mula sa kanya ang 26.4 grams na umano’y iligal na droga at may katumbas na halagang ₱179,520.


Maliban dito, narekober din ng mga pulis ang ₱200 na perang ginamit bilang buy-bust money at ang cellphone ng suspek na hinihinalang naglalaman ng mga contact number ng mga parokyano at maaari ring pinagkukunan ng iligal na droga nito.

Bago ang operasyon, nagsagawa muna ng surveillance at validation ang mga pulis laban kay Loloy, nang makumpirma ang mga iligal na transaksyon nito, agad na ikinasa ang operasyon sa kahabaan ng Cayetano Corner Elephant St., Brgy Ususan, Taguig City, pasado alas 3:50 kahapon ng hapon.

Nakakulong na ang suspek sa Station Custodial Facility ng Taguig Philippine National Police (PNP) at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments