Mahigit ₱4-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Florita – NDRRMC

Umaabot na sa ₱4.8 milyon ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Florita sa hilagang Luzon.

Sa pinaka huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), higit ₱2.3M dito ay family food packs.

Mayroon ding ibinigay na family tent, family kits at hygiene kits.


Samantala, nasa ₱10,000 ding tulong pinansyal ang naibigay sa may nasawing kamag anak.

Sa ngayon, nasa halos 12,000 pamilya o higit 47,000 indibidwal mula sa Region 1, 2, CALABARZON, CAR at NCR ang mga naapektuhan ng Bagyong Florita.

Facebook Comments