Halos 12,000 pamilya, naapektuhan ng Bagyong Florita

Umabot sa 11,953 pamilya o 47,169 indibidwal mula sa limang rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng Bagyong Florita.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), nasa 10,355 katao ang inilikas na karamihan ay nananatili sa 129 na evacuation centers.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 61 cyclone-related incidents na karamihan ay pagbaha sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, at Bicol Region.


Tatlumpung bahay ang napinsala ng bagyo –– 26 ang partially damaged habang apat ang totally damaged.

Samantala, balik na ulit ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa 10 sa 15 pantalan na nagtigil-operasyon dahil sa bagyo.

Facebook Comments