Umabot sa 97 percent ang nabakunahan sa ikaapat na yugto ng Bayanihan, Bakunahan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 1.814 milyong doses ng bakuna ang naibigay nitong nakaraang National Vaccination Days.
Aniya, naging katuwang nila dito ang mga workplaces, private doctors’ clinics, at mga simbahan.
Sinabi rin ni Vergeire na nagawa rin ng gobyerno na mabakunahan ang mga katutubo na nakatira sa geographically isolated at disadvantaged areas sa National Vaccination Days.
Sa ngayon, umabot na sa 65 million o 72.28 percent ng 90 million target population ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Nasa 70.2 million individual o 77.96 percent naman ang nabigyan ng unang dose.
Facebook Comments