DOH, nakapagtala ng 545 na bagong kaso ng COVID-19

Sumampa pa sa 3,673, 201 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 545 na panibagong kaso kahapon.

Umabot naman sa 3,569,711 ang total recoveries habang nasa 45,491 ang aktibong kaso sa bansa.


Nasa 57,999 naman ang kabuuang nasawi dahil sa virus.

Nananatili naman sa 24.64 percent ng Intensive Care Units o ICU beds ang okupado sa buong bansa, 22.04 percent sa isolation beds at 13.66 percent na ward beds.

Facebook Comments