Cauayan City, Isabela- Mahigit sa 1 milyong indibidwal sa Isabela ang fully vaccinated kontra COVID-19 batay sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office kahapon, March 21, 2022.
Sa COVID-19 vaccine rollout update, nasa 1,003,112 o 79.8% ang nakatanggap ng second dose habang 1,068,358 o 85% ang naturukan pa lang sa unang dose ng bakuna.
Mula naman sa 80% 2022 target population, umabot na sa 85% ang bakunado laban sa COVID-19 at 88.2% ang vaccination consumption.
Kaugnay nito,6.9% unvaccinated sa hanay ng adult population habang 57.2% naman sa pedia population.
Bagama’t nasa Alert Level 1 na ang Isabela ay patuloy pa rin ang paghimok sa publiko na ugaliin ang pagsunod sa health and safety protocol para makaiwas sa banta ng nakakahawang sakit.
Facebook Comments