BBM-Sara, top choices pa rin bilang presidential at vice-presidential candidates sa halalan 2022

Nananatiling sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang top choices para sa pagkapresidente at bise-presidente, batay sa resulta ng latest independent at non-commissioned Publicus Asia survey.

Sa March 9 to 4, 2022 survey o Pahayag National Tracker 2 (PT2) na nilahukan ng 1,500 respondents, nanguna pa rin si Marcos sa pamamagitan ng nakuha niyang 55.1 percent. Mataas ito ng halos 3 percent mula sa kanyang preference share na 52.3 percent sa PT1 na isinagawa noong Pebrero.

Samantala, napanatili rin ni Mayor Sara Duterte ang pangunguna laban sa kanyang mga katunggali sa pagkabise-presidente sa pamamagitan ng 56.5 percent, ayon sa Publicus.


Gaya sa katandem na si Marcos, umangat din ng 3 percent si Duterte sa survey ngayong Marso.

Facebook Comments