Mahigit 1 milyong denied claims dahil sa late filing ng mga ospital, ipoproseso na ng PhilHealth

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na kanila nang ipoproseso ang mahigit 1 milyong denied claims dahil sa late filing ng mga ospital na nagkakahalaga ng ₱8 milyon.

Ito ang inihayag ng bagong pangulo ng PhilHealth na si Dr. Edwin Mercado sa ipinatawag na pulong balitaan sa tanggapan nito sa Pasig City ngayong araw.

Ayon kay Dr. Mercado, bahagi ito ng maigting na pagpapatupad ng streamlining sa kanilang administrative processes.

Paliwanag pa ni Dr. Mercado na mula 2018 hanggang 2024, 30% ng mga denied claim ay dahil sa late filing ng mga ospital kaya’t ipinangako ni Dr. Mercado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kanilang irerekunsidera ito upang matiyak na makasusunod ang mga ospital.

Dahil dito, bibigyan ng 6 na buwan ng PhilHealth ang mga health facility para makapagsumite ng listahan upang agad na nila itong maiproseso.

Facebook Comments