Cauayan City, Isabela- Hindi bababa sa 125 hog raisers na apektado ng African Swine Fever ang nakatanggap na ng indemnification payout kahapon, Disyembre 1, 2021 sa Naguilian, Isabela.
Inihayag ni DA-RO2 Regional Executive Director Narciso Edillo na ang halagang natanggap ng mga hog raiser ay makabawas aniya sa nangyaring pagkalugi sa kanilang mga alagang baboy matapos isailalim sa culling.
Ayon naman kay Mayor Juan Capuchino, setyembre noong nakaraang taon ng maranasan ang matinding epekto ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang bayan.
Dahil aniya sa pamamahagi ng indemnification payout, bakas na sa mga hog raisers ang tuwa sa tinanggap na cash assistance.
Samantala, nagpasalamat naman sa ahensya si 4th District Board Member Egay Capuchino sa pagtulong sa mga magsasaka.
Umabot naman sa P4.1 milyon cash assistance ang naipamahagi matapos isailalim sa culling ang nasa 836 na alagang baboy.
Maliban sa distribusyon ng pera, inanunsyo na rin ni Regulatory Division Head and ASF Regional Focal Person Dr. Manny Galang na magsisimula na ang repopulation pagkatapos ng pamamahagi ng mga sentinel na biik sa Naguilian.
Tiniyak naman ni Municipal Agriculturist Engr. Josephine Lobo na gagawin nila ang lahat para sa matagumpay na repopulation ng mga baboy.