Muling nabiyayaan ng libreng tilapia fingerlings ang mahigit isang daang fisherfolks dito sa Lungsod ng Cauayan.
Sa ating panayam kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, 30,000 na SRT Fingerlings ang ibinahagi ng BFAR at 100,000 naman mula sa LGU Cauayan.
Tumanggap ng tig-isang libong SRT fingerlings ang mga benepisyaryo mula sa ibat-ibang barangay sa Lungsod.
Ito ay kasabay na rin ng pagdiriwang sa ika-limamput siyam na anibersaryo ng Fish Conservation Week ng BFAR.
Ayon pa kay Alonzo, naglaan aniya ng pondo ang lokal na pamahalaan ng Cauayan dahil target umano ni City Mayor Jaycee Dy Jr. na makapamahagi ng 1,000,000 fingerlings ngayong taon.
Layon nito na tulungan ang mga fisherfolks sa lungsod mula sa naging epekto ng pandemya sa pamamagitan ng fingerlings dispersal.
Facebook Comments