PAF, nakiisa sa coastal clean up

43

Nagsagawa ng coastal cleanup ang Philippine Air Force (PAF) sa Manila Dolomite Beach sa Roxas Boulevard.

Ito ay bilang pakikiisa sa International Coastal Cleanup Day ngayong araw Setyembre 17.

Kabuuang 150 sako ng iba’t ibang basura tulad ng plastics, wrappers, face masks, plastic bottles at iba pang waste materials ang nakuha sa lugar.


Kabilang sa nakibahagi sa cleanup drive ang mga officer, Enlisted Personnel at Civilian Human Resource ng Philippine Air Force Human Resource Management Center na pinamunuan ni Lieutenant Colonel Joan Dalmacio bilang bahagi ng kanilang pre-anniversary celebrations.

Facebook Comments