Mahigit 100 lumabag sa bike at motorcycle lane sa Parañaque City, nasampulan

48

Sinimulan na ng Parañaque City Government ang paghuli sa mga hindi sumusunod sa itinakdang bike at motorcycle lane sa Sucat Road.

Mahigit 100 violators ang unang nasampulan ng Parañaque Traffic Parking Management Office (TPMO) sa kahabaan ng Sucat Road.


Ayon kay Parañaque Traffic Chief Teddy Barandino, ang mga lumalabag sa nasabing ordinansya ay pinagmumulta ng ₱500.00.

Habang ₱1,500 naman ang ipinapataw sa mga pasaway na mahuhuli sa CCTV camera.

Ang naturang lane ay mula sa Sucat interchange hanggang sa SM Sucat sa Brgy. San Dionisio vice versa.

Facebook Comments