Mahigit 100 sementeryo sa Metro Manila, bantay sarado ng mga pulis sa Undas

Tiniyak ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na handang-handa na ang 777 na kanilang mga tauhan na magbabantay sa 113 mga sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Debold Sinas, mula sa 113 na sementeryo 29 dito ay sakop ng Northern Police District na binabantayan ng 245 police officers; habang ang Eastern Police District naman na may 19 na sementeryo ay tinututukan ng 212 na pulis habang naka-deploy naman ang 27 mga pulis sa 5 sementeryo ng MPD; habang nakabantay naman ang 179 na mga pulis sa 33 sementeryo na sakop ng Southern Police District ; at Quezon City Police District naman ay may 27 sementeryo na mahigpit na binabantayan ng 114 PNP Personnel.

Paliwanag ni Sinas, personal mismo niyang ininspeksyon ang mga sementeryo sa Metro Manila kung saan una niyang pinuntahan ang Loyola Memorial Park sa Marikina City upang masigurong na handa na ang mga pulis ngayong Undas 2020.


Giit ng NCRPO Chief na mahalaga na ma-inspeksyon ang mga sementeryo sa Kalakhang Maynila upang makapaghanda ang mga pulis sa mga masasamang elemento ng lipunan ngayon selebrasyon ng Undas 2020.

Facebook Comments