Mahigit 1,000 Barangay sa Isabela, Nabiyayaan ng Portable Oxygen Tanks

Cauayan City, Isabela- Nagpamahagi ng portable oxygen tanks si Isabela Governor Rodito Albano III sa kabuuang 1,018 na barangay sa probinsya na bahagi ng provincial intervention sa harap ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Nasimulan ng tanggapin ang mga portable tanks sa mga barangay maliban sa 5 bayan at isang siyudad kung saan inaasahang makakatanggap din ang mga ito ng nasabing kagamitan.

Ang oxygen tanks ay paraan upang agad na makatugon ang mga barangay health workers sa ilang emergency situations may kaugnayan sa COVID-19 lalo na ang pagbyahe sa mga pasyente patungo sa mga ospital at isolation facilities.


Tiniyak naman ng Pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang tuloy-tuloy na pag-agapay sa lahat ng Isabeleño.

Facebook Comments