Cauayan City, Isabela- Nasa 1,275 benepisyaryo mula sa siyam (9) barangay ang tumanggap ng payout ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program na isinagawa sa Saguday, Quirino kamakailan.
Aabot sa kabuuang mahigit sa P4 milyon (P4, 717,500.00) ang naipamahaging pera sa mga benepisyaryo ng naturang programa.
Pinangunahan mismo ng Department of Labor and Employment – Quirino Field Office (DOLE-QFO) kasama ang LGU Saguday sa pamamagitan ng Public Employment Service Office, at Sangguniang Panlalawigan ang pamamahagi ng payout sa mga ito.
Ayon kay DOLE-QFO Head Laura B. Diciano, ang programang ito ay nakatuon sa mga informal sector at mga displaced workers na labis na apektado ng pandemya.
Samantala, si Saguday Mayor Marcelina Pagbilao ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa DOLE habang ibinahagi kung paano napakinabangan ng kanilang komunidad ang programa.