Mahigit 1,000 pulis na hinihinalang sangkot sa mga iligal na aktibidad, iniimbestigahan na ng PNP

Manila, Philippines – Nasa 1, 122 Police Personnel na umano’y sangkot sa mga iligal na aktibidad ang ini-imbestigahan ngayon ng PNP-Counter Intelligence Task Force.

Simula nang itatag ang PNP-CITF noong Enero, nasa 41 pulis at 15 sibilyan na ang naaresto nila na kadalasan ay sangkot sa extortion.

Ayon kay CITF Commander Sr/ Supt. Chuiquito Malayo – sa higit pitong libong sumbong na natanggap nila sa pamamagitan ng SMS reporting hotline na ‎0998-670-2286 at ‎0995-795-8569 – 1, 180 rito ay reklamo laban sa mga pulis.


Samantala, 641 na PNP personnel ang isinumbong dahil sa pagiging protektor ng mga iligal na aktibidad, pangongotong at pagkakasangkot sa droga.

Sa kabuuang bilang, pinakamarami ay tauhan ng NCRPO na may 385 habang 147 naman mula sa Calabarzon at 14 mula sa Central Luzon.

Facebook Comments