
Na-promote ng ranggo ang mahigit 10,000 na personnel ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw sa isinagawang simultaneous oath-taking at donning of ranks sa Camp Crame, Quezon City.
Pinangunahan ng PNP Acting Chief, PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing seremonya.
Sa kabuuang 10,297 na napromote, 474 rito ay commissioned personnel (ranggong Lieutenant pataas), habang 9,823 naman ang non-commissioned personnel (ranggong Patrolman pataas).
Pinaalalahanan ni Nartatez ang mga bagong-promote na personnel na ang promosyon ay isang karangalan at may kaakibat na mas mataas na pananagutan. Dagdag pa niya, dapat gampanan ito nang may integridad
Facebook Comments









