Hindi pa man natatapos ang St. Vincent Prayer Park sa Bayambang Pangasinan dinayo na ito ng higit 100,000 katao sa Semana Santa 2019 dahil dito matatagpuan ang tallest bamboo Sculpture na idineklara ng Guiness Book of World Record.
Ayon kay Rafael Saygo, Tourism Officer ng Bayambang hindi pa ito ang kabuuan dahil ito lamang ay ang mga taong nagsulat sa kanilang monitoring log. Nasa 60% ng bumisita sa istatwa ay hindi residente ng bayan. Dagsa umano ang tao sa oras na 10:00 ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Dagdag nito Naglagay din ng temporary station of the cross ang LGU upang makapag nilay nilay ang mga bibisita.
Target umano na matapos ang konstruksyon nito sa pagtatapos ng taon upang malapitan ng tao istatwa ni St. Vincent Ferrer. Maglalagay din ng dancing fountain at mini chapel sa St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ang St. Vincent Ferrer Prayer Park ay matatagpuan sa Barangay Bani at idineklarang Tallest Bamboo Sculpture noong ika lima ng Abril.
Mahigit 100,000 katao bumisita sa World Tallest Bamboo Sculpture sa Pangasinan
Facebook Comments