Mahigit 11,000 COVID-19 recoveries, naitala ngayong araw sa bansa

11,714 na COVID-19 patients sa bansa ang nadagdag sa listahan ng mga gumaling ngayong araw.

14,249 naman ang bagong kaso habang 233 ang mga bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,727,231 ang total COVID cases sa bansa.


Ang aktibong kaso ay 98,847 habang ang total recoveries ay 1,598,314.

Ang kabuuang bilang ng mga namatay ay umaabot na sa 30,070.

Facebook Comments