Cauayan City, Isabela- Umabot sa 12,476 na pamilya sa Probinsya ng Isabela ang nabigyan ng the Emergency Shelter Assistance (ESA) dahil sa naging epekto ng manalasa ang nagdaang Bagyong Rosita taong 2018.
Ayon sa DSWD, 1,984 na pamilya ang totally damaged ng kanilang mga tirahan habang 10,492 na pamilya naman ang partially damaged na tinatayang nasa P182,858,500.00 ang naipamigay ng ahensya sa mga Isabeleño simula nitong June 26,2020.
Ayon naman kay DRMD Information Officer Edsel Mia Carbonell, target na mabigyan ng tulong pinansyal ang nasa kabuuang 40,903 sa buong Cagayan Valley na lubos na apektado ng nakalipas na bagyo habang nasa 36 na Bayan sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya sa mga darating na linggo.
Makakatanggap ng P30,000 ang isang pamilya na totally damaged habang P10,000 para sa partially damaged na mga kabahayan.
Tinitiyak naman ng ahensya na maibibigay ang lahat ng mga apektadong pamilya na nakapaloob sa ibinabang listahan ng DSWD Central Office.