MAHIGIT 1,500 BOARD FEET NG KAHOY, NAKUMPISKA

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng operasyon kontra illegal logging ang mga awtoridad, dahilan nang pagkakaaresto ng isang indibidwal sa Brgy. Sto Niño, Maddela, Quirino.

Ang suspek ay kinilala bilang si alyas “Ronron”, isang magsasaka, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula sa suspek ang walompu’t isang (81) piraso ng ilegal na pinutol na kahoy (round logs) na tinatayang aabot sa 1,500 board feet.


Dinala sa himpilan ng Maddela Police Station ang suspek at ang mga nakumpiskang kahoy para sa dokumentasyon.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines ang suspek

Facebook Comments