Mahigit 1,500 OFWs, Napauwi sa ‘UWIAN NA PROGRAM’ ng OWWA Region 2

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa kabuuang 1,766 Overseas Filipino Workers ang napauwi sa ilalim ng ‘UWIAN NA PROGRAM’ ng Overseas Welfare Workers Administration (OWWA) simula May 21 hanggang Hunyo 25,2020.

Ayon sa report, dumaan sa mandatory quarantine sa Metro Manila ang mga OFWs at nabigyan ng quarantine pass habang negatibo sa resulta ng RT-PCR Tests.

Suportado naman ng mga Local Government Unit ang mga manggagawa at katanuyan naglalaan ang mga ito ng sasakyan pagkarating sa mga probinsya.


Tiniyak naman ng ahensya na tuloy-tuloy ang kanilang koordinasyon upang masigurong nasusunod ng maayos ang safety protocols ng mga umuwing OFWs.

Facebook Comments