Lalaki, patay sa drowning incident sa Bagac Bataan

Bataan, Philippines – Patay na nang matagpuan ng mga mangingisda ang katawan ng isang 36-anyos na lalaki sa Bagac, Bataan.

Sa report ng Bagac Police, kinilala ang biktima na si Geriel Dizon, may-asawa at residente ng Mabalacat, Pampanga.

Nabatid sa imbestigasyon na kasama nito ang kaniyang pamilya na nag-overnight swimming sa Fajardo Beach Resort nang mapansin ng mga kaanak na nawawala ito.


Kinaumagahan ay nakita na lamang ito na wala nang buhay ng mga mangingisda sa lugar, limang kilometro ang layo mula sa shoreline ng naturang beach resort.
DZXL558, Mike Cigaral

Facebook Comments