Nasa kabuuang 16, 861 mga sasakyan ang inimpound ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa loob lamang ng 4 na buwan o mula nitong Hulyo.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Rodolfo Azurin Jr., binubuo ito ng 3,419 motor vehicles at 13,442 motorcycles na may paglabag sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Kabilang sa mga violations ng mga nahuli ay mayroong unauthorized HPG logo/stickers, drivers with illegal horns, gumagamit ng blinkers/illegal lights at mga motor na may illegally-modified mufflers.
Samantala, naka-aresto rin ang PNP-HPG ng 222 indibidwal at nasa 209 namang mga karnap na sasakyan ang narekober.
Kasunod nito, paalala ng PNP sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko upang maiwasan ang aksidente lalo na ngayon nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.