Nagbigay ng target ang Kagawaran sa bawat probinsya sa Rehiyon kung saan nasa 66, 515 sa Lalawigan ng Isabela, 56, 562 sa Cagayan; 26, 742 sa Nueva Vizcaya; 12, 165 sa Quirino; 1, 218 sa probinsya ng Batanes at 8, 020 katao naman sa Santiago City.
Bukas pa rin ang naturang Bayanihan Bakunahan Part III sa mga indibidwal na edad labing dalawa pataas at pwede rin sa mga walk-in.
Pero, prayoridad pa rin mabigyan ng primary at booster doses ang mga kabilang sa A2 at A5 group.
Iginiit din ng Kagawaran na epektibo at ligtas ang mga bakuna kontra COVID-19 kaya pinapabilis pa ang vaccination rollout sa rehiyon.
Bukod sa first at second dose, nakapagbibigay rin umano ng karagdagang proteksyon ang booster shot lalong-lalo na sa mas nakakahawang variant ng COVID-19 na Omicron.