Pumasa sa entrance examination ng Philippine Military Academy (PMA) nitong Agosto ang 1,629 nilang aplikante.
Ayon kay Major Reynan Afan, spokesperson ng PMA, pasado na at sasailalim na ang mga ito sa medical, psychological at physical examination na bilang susunod na screening process.
Layon nitong matiyak kung ang mga aplikante ay mentally at physically fit.
Gagawin ang CPE o Complete Physical Examination sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Health Service Command sa V. Luna, Quezon City.
Sakaling pumasa sa CPE, dito na sila pormal na papasok sa 4 na taong military training sa akademya sa Baguio para maging kadete.
Kasunod nito pipili ang PMA Cadet Procurement Board ng pinakakwalipikadong kadete para sa PMA Class of 2024.
Facebook Comments