67 bagong immigration officers, pinakalat sa int’l airports sa bansa

Nag-deploy ang Bureau of Immigration (BI) ng 67 na mga bagong immigration officers sa international airports.

Ito ay bahagi pa rin ng kanilang alerto sa harap ng pagdagsa sa bansa ng undocumented aliens at ng iba’t ibang modus operandi ng human traffickers.

Pinaghahandaan din ng BI ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa bansa kaugnay ng nalalapit na South East Asian Games.


Bukod pa dito ang nalalapit na holiday season.

Ang bagong immigration officers ay nagtapos ng kanilang anim na buwang training hinggil sa Border Control Officers Module (BCOM), kung saan sinanay sila sa immigration laws, rules at procedures.

Sumailalim din sila sa disaster and emergency preparedness response seminar.

Facebook Comments