Mahigit 1K mga bladed weapons nakuha ng PNP sa mga bumisita sa sementeryo kahapon

Aabot sa 1,117 ang mga nakumpiskang bladed weapons ng Philippine National Police o PNP sa paggunita ng All Saints Day kahapon.

Pinakamaraming rehiyon na nakuhaan ng patalim ang mga dumadalaw sa sementeryo ay sa NCR na umaabot sa 670 sinusundan ng Region 7 na umaabot sa 240.

295 na mga nakakalasing na inumin rin ang narekober ng PNP sa mga dumadalaw sa sementeryo nationwide.


May 27 gambling items at 22 karaoke o videoke sets ang nakuha rin sa ang dumalaw kahapon sa sementeryo.

Nag-papatuloy naman ang pag-babantay ng mga pulis sa mga sementeryo at iba pang matataong lugar upang matiyak na magiging payapa ang paggunita ng Undas.

Facebook Comments