Mahigit 2.9-M doses ng COVID-19 vaccines, naiturok na sa mga taga-QC

Halos tatlong milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga residente ng Quezon City.

Hanggang bago magtanghali kanina, umabot na sa 2,985,344 doses ng bakuna ang naiturok sa vaccination program ng lungsod kung saan 1,754,334 dito o 103.20% ay naibigay sa first dose habang 1,231,010 o 76.64 % naman sa second dose.

Sa kabuuan, nasa 1,324,740 o 77.93 % na ang fully vaccinated na sa Quezon City. Samantala, bumaba na sa 48 na mga lugar sa lungsod ang nasa ilalim ng Special Concern Lockdown hanggang ngayong araw.


Gayunman, tuloy pa rin ang pamamahagi ng food packs at essential kits ng pamahalaang Lokal sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments