Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na may mataas nang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Base sa ulat ng OCTA Research Group, as of May 6 ay mayroon nang walong lugar sa bansa ang may higit 20% na COVID-19 positivity rate o nasa high risk level.
Kabilang dito ang Metro Manila na umakyat pa sa 22.7% ang Positivity Rate, mula sa 17.2% noong April 29.
Pinakamataas naman ang COVID positivity rate sa lalawigan ng Camarines Sur, sumirit na sa 45.1% mula sa 39.7%.
Mataas din ang positivity rate sa Batangas, Bulacan, Cavite, Isabela, Laguna at sa lalawigan ng Rizal.
Sa kabuuan, tumaas na rin sa 19.9% ang naitalang positivity rate sa buong bansa.
Sa pagtaya naman ng OCTA, posibleng sumampa sa 1,400-1,600 ang COVID new cases ngayong Lunes.
Facebook Comments