DOH, magsasagawa ng Job Fair 2023

Ikakasa ng Department of Health (DOH), ang Job Fair 2023 sa mismong tanggapan nila sa lungsod ng Maynila.

Ito’y para sa mga naghahanap ng trabaho sa sektor ng kalusugan, kung saan magsisimula ang job fair ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang isang araw na job fair ay isasagawa sa convention hall ng DOH sa Sta. Cruz, Manila.


Pinapayuhan ang lahat ng aplikante na dalhin ang mga sumusunod o kinakailangang listahan at ihanda tulad ng Personal Data Sheet na nada-download sa website ng Civil Service Commission, kopya ng Diploma at Transcript of Records, Kopya ng eligibility ng Civil Service Professional/Sub-Professional, Board Rating, Professional Regulatory Commission (PRC) ID at iba pa.

Dalhin din ang ibang dokumento tulad ng certificate o kopya ng mga trainings/seminar na dinaluhan, habang ang mga aplikanteng nag-aaplay para sa promosyon ay inaabisuhan na magpakita ng kopya ng latest na Individual Performance and Commitment Review.

Kaugnay nito, hinihimok ng DOH ang publiko partikular ang nasa sektor ng pangkalusugan na samantalahin na ang pagkakataon upang maging bahagi ng kanilang kagawaran at makapagbigay ng serbisyo publiko.

Facebook Comments