P50,000 cash assistance, ipinagkaloob sa 99 OFWs na lumikas galing Sudan

Ipinagkaloob ang P50,000 na tulong pinansyal, gamot at pagkain sa 99 pa na mga Overseas Filipino Worker (OFW) na kauuwi lang ng bansa dahil sa nangyaring kaguluhan sa Sudan.

Matatandaan na lumapag kagabi ang Saudi Airlines flight SV870 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, sakay ang 99 OFWs na lumikas galing Sudan.

Sila ay sinalubong nina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Melanie Quiño at mga tauhan ng Department of Migrant Workers (DMW).


Samantala, una nang nakatanggap ng $200 ang mga nasabing OFW, habang meron pa silang inaasahan na tulong na matatanggap mula sa OWWA.

Facebook Comments