Manila, Philippines – Aabot sa mahigit dalawang daang commuters ang stranded dahil sa ikinasang transport strike ngayong araw.
Hanggang alas otso ng umaga kanina na-monitor ng Northern Police District ang nasa 30 pasaherong stranded sa may Marulas Footbrigde Valuenzela City at nasa 50 pasaherong stranded sa may harap ng Fatima University sa Valenzuela City.
Nasa isang daang commuters rin sa lungsod ng Maynila ang stranded hanggang kaninang alas otso ng umaga.
Namonitor ng Manila Police District ang mga commuters na ito sa may Panaderos tulay, Sta. Ana Maynila, Sta. Ana via Padre Faura.
Sa may kahabaan naman ng 8th Francisco cor. San Andres Bukid, 80 commuters ang namonitor na stranded.
Sa southern part ng Metro Manila as of 8am, ay walang namonitor na stranded commuters ang Southern Police District.
Sa Quezon City, nagkita-kita sa harap ng gusali ng LTFRB sa kahabaan ng East Avenue ang 10 miyembro ng Stop and Go.
Patuloy naman ang monitoring na ginagawa ng Philippine National Police upang matukoy pa ang mga commuters na apektado ng ikinasang transport strike.