24 taong gulang sinaksak at namatay sa Brgy. Canlanipa, Surigao City

24 taong gulang sinaksak at namatay sa Brgy. Canlanipa, Surigao City Kinilala ang biktima na si Antonio Bagayas Mainit Jr., 24 taong gulang at naninirahan sa Purok 4, Brgy. Silop dito sa lunsod. Diumano’y unang nakarinig ng malakas na sigaw ang mga residente ng Brgy. Canlanipa na humihingi ng tulong, noong lumabas na sila, nakita na lamang na naliligo na sa sariling dugo si Mainit at wala ng buhay. Sa ngayon, hinahanap na ng mga otoridad ang suspek sa krimen.

Facebook Comments